Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang paglulunsad ng Brigada Eskwela 2023 para sa paparating na school year 2023-2024.
Magkasamang nag-ikot ang Pangulo at ang DepEd Sec. sa Victorino Mapa High School sa Maynila, kasabay ng pag-arangkada ng Brigada Eskwela ngayong araw ng Lunes, Agosto a-14.
Sa kanyang maikling talumpati, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng buong-pusong pagtutulungan upang maihanda at maisaayos ang mga paaralan bago ang pasukan sa Agosto a-29.
Samantala, iniabot din sa pamunuan ng V. Mapa High School ang P1-M halaga bilang suporta sa Brigada Eskwela Program.
Ang Brigada Eskwela 2023 ay may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan”, at aarangkada ito sa mga pampublikong paaralan nationwide hanggang sa Agosto a-19. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News