dzme1530.ph

Pilipinas, pinayuhang piliin pa rin ang mapayapang paraan sa pag-resolba sa territorital dispute sa China

Pinayuhan ng isang political analyst ang gobyerno ng Pilipinas na piliin pa rin ang mapayapang paraan sa pag-resolba sa sigalot sa China kaugnay ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa UST Prof. na si Dr. Froilan Calilung, magandang bagay na naisapubliko ang water cannon incident o pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard kamakailan, at nalaman ng international community ang pagiging agresibo at pag-balewala ng China sa International Law.

Gayunman, mas makabubuti umano sa ngayon na sumunod na lamang muna ang Pilipinas sa sinasabi ng International Law kaugnay ng pagtataguyod ng kooperasyon sa halip na digmaan.

Sa kabila nito, ikinalulungkot ni Calilung na tila walang nangyayari sa mga ipinadadalang diplomatic statements at note verbale ng bansa.

Sinabi rin ng analyst na dahil sa water cannon incident ay mas nagising ang nationalism o pagiging makabayan ng mga Pilipino. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author