dzme1530.ph

Pagkamatay ng binatilyo sa Navotas City, iimbestigahan na rin ng DOJ

Kabilang na rin sa mag-iimbestiga ang tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar sa Navotas City.

Ayon sa press briefing ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dapat umaksyon ang pulisya batay sa tamang standard operating procedure (SOP) at dapat gawing mandatory ang pagsusuot ng body cameras sa mga operasyon ng pulisya, na isa sa mga nakikitang problema ng Korte Suprema.

Dahil dito, nakatakda aniya silang magkakaroon ng dayalogo ni DILG Secretary Benhur Abalos kaugnay sa police enforcement.

Pag-aaralan na rin aniya ng DOJ ang mas maayos na approach sa police discipline na maaaring maging epektibo sa mga susunod na panahon. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author