dzme1530.ph

Private companies, suportado ang Food Stamp Program ng pamahalaan

Suportado ng Management Association of the Philippines (MAP) ang Food Stamp Program ng pamahalaan na layong tugunan ang kagutuman sa bansa.

Ito ang inihayag ng MAP sa naganap na membership general meeting kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng kalihim na target ng naturang programa na mabigyan ng food assistance ang 1-M pamilyang Pilipino, na itinuturing na “food-poor” ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Nabatid na layon ng Food Stamp Program na masawata ang “involuntary hunger” upang mabawasan ang malnutrisyon o child stunting sa bansa. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author