Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang rekomendasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mga nailigtas at maililigtas na biktima ng human trafficking sa ibang bansa.
Bahagi ng rekomendasyon ang mga OFW na naging biktima ng mga scam hub sa mga kumpanyang nasa ibang bansa na naibalik na sa Pilipinas ngunit muling umalis nang walang wastong dokumento at nahuli sa mga scam company sa bansang pinuntahan ay hindi na bibigyan ng tulong.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang kanyang pagpabor sa naturang rekomendasayon ay may kaugnayan sa natuklasan ng ahensya na karamihan sa mga manggagawang Pinoy ay timitigas na ang ulo at bumabalik pa rin sa mga trabahong iligal.
Isang halimbawa na lamang aniya nito ay ang nailigtas na biktima ng trafficking sa Myanmar na naiuwi ng pamahalaan sa Pilipinas ngunit pagdating dito sa bansa ay muling nasangkot sa online scam hub at napabilang sa mga nadakip sa isang kumpanya na sinalakay ng mga otoridad sa Pasay City. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News