Ipinaalala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na hanggang Abril 26, 2023 lamang ang SIM Registration Program.
Nagbabala ang ahensya sa mga hindi makakapagpa-rehistro sa itinakdang petsa ay made-deactivate ang mga nasabing SIM Card.
Pinaalalahanan din ng DICT ang publiko na magpa-rehistro ng SIM gamit lamang ang official channels ng mga telcos.
Mula Enero 11, mahigit 17 milyong SIM card na ang nai-rehistro na kumakatawan sa 10.47 percent ng 169 milyong subscribers sa buong bansa.
Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), mahigit walong milyong SIM na ang nai-rehistro sa Smart, sa Globe may 7.7 milyon at sa DITO ay may 1.5 milyong subscribers.