Bumisita si US Senator Tammy Duckworth kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang ngayong araw ng Martes, Agosto 8.
Sa courtesy call kasama si US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, tinalakay ng Pangulo at ng US senator ang pagsusulong ng renewable energy sa harap ng epekto ng climate change.
Samantala, inilarawan din ni Duckworth ang mga Pilipino sa America bilang mga edukado, at fluent o mahusay sa wikang Ingles.
Pinuri rin nito ang kalidad ng serbisyo ng Filipino nurses, at nakipag-ugnayan na rin ito sa US embassy para sa posibleng pagpapadala ng American students sa nursing schools sa Pilipinas.
Ito ay para sa paglalayong maibsan ang shortage ng nursing programs at residency slots sa Estados Unidos.
Umaasa naman si Pangulong Marcos sa mas matibay pang relasyon sa America. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News