dzme1530.ph

Mga senador, hinimok magsalita ng wikang Filipino ngayong Buwan ng Wika

Hinimok ni Senador Jinggoy Estrada ang mga kapwa senador na magsalita gamit ang wikang Filipino sa kanilang mga diskusyon at diskurso sa plenaryo sa buong buwan ng Agosto bilang pagdiriwang ng buwan ng wikang pambansa.

Ang munting hakbang na ito, ayon kay Estrada ay magkakaroon ng malaking ambag para mas mapalapit ang kapulungan sa taumbayan.

Naniniwala ang senador na sa pamamagitan ng aksyong ito mas mahihikayat ang publiko na makinig, maunawaan at makiisa sa debate sa mga panukalang tinatalakay nila.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na ang pagsasalita ng wikang Filipino ay magpapakita rin ng pagtangkilik, pagpapahalaga at pagmamahal sa ating wikang pambansa na malaking bahagi ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto ay alinsunod sa Proclamation 1041 ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1997. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author