Pinababalik na ang mga pulis na tumulong at nagmonitor sa mga lugar na lubhang tinamaan ng bagyong Egay sa bahagi ng Norte.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo, unti-unti nang pinaba-back to base ang mga pulis dahil tapos na ang mga operasyon at tulong na kailangan ng mga nasalanta ng bagyo.
Aniya, nakatutok na ang pamahalaan sa relief distributions at kaunting pulis na lamang ang ipinadala dahil marami na ring mga ahensya ng gobyerno ang nagvo-volunteer para sa mga ganitong gawain.
Matatandaang, nag-deploy ang PNP ng halos 200 pulis mula sa Regions 1, 2, 3 at CAR para sa humanitarian and disaster response operations.
Nagbigay din ang PNP ng P3-M halaga ng relief goods sa mga pulis at residente sa mga rehiyon na apektado nang nagdaang bagyo na bahagi ng kanilang “Adopt a Region Program.” –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News