dzme1530.ph

Malaking pondo na inilaan sa defense sector para sa 2024 proposed budget, kinatigan ni House Speaker Romualdez

Kinatigan ni House Speaker Martin Romualdez ang malaking pondong inilaan sa defense sector na nakapalob sa 2024 proposed national budget.

Habang nasa Jakarta, Indonesia at dumadalo sa 44th AIPA General Assembly, tiniyak nito ang commitment ng Kongreso para bantayan ang territorial integrity at kaligtasan ng bawat mamamayan.

Aniya, sa ilaim ng proposed P5.768-T 2024 national budget, P282.7-B ang nakalaan sa defense sector, mas malaki ng 21.6% kumpara sa 2023 budget na P203.4-B lamang.

Alisunod sa President’s budget message, ang pondo ay para sa Land, Air at Naval Forces Defense Program na umaabot sa P188.5-B, kabilang ang UN Peacekeeping Mission para matiyak ang domestic security.

Ang alokasyon ay nagpapakita umano ng determinasyon upang mapanatili ang “matatag at credible defense posture,” at mensahe sa lahat na hindi ikokompromiso ng gobyerno ang siguridad ng bawat Pilipino. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author