dzme1530.ph

Food inflation, pinatutugunan ng isang kongresista

Muling ipinanawagan ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan na solusyunan ang food inflation matapos lumabas sa survey na marami sa pamilyang Pilipino ay nakararanas ng “involuntary hunger” sa nagdaang tatlong buwan.

Ayon kay Lee, totoong bumababa ang inflation o paggalaw ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo, subalit ang katotohanan, hindi ito nararamdaman ng ordinaryong mamamayan.

Punto pa ng kinatawan ng mga magsasaka, kaya marami ang nagsabing sila’y nakararanas ng gutom ay dahil ang presyo ng pagkain lalo na ang bigas at gulay ay nananatiling mahal.

Kung hindi pagtutuunan ng pansin ang “contributing factor” sa food inflation, imposible umanong makamit ang tinatarget ng pamahalaan na 2.9% inflation sa 2024.

Sa June 2023 survey ng SWS, lumitaw na 10.4% ang nakaranas ng “involuntary hunger” o wala talagang makain, at ito ay 2.1% ng nagsabing sila’y nakaranas ng “severe o sobrang pagkagutom” na nasa 8.3%.

Dagdag pa ni Lee, ang “food at non-alcoholic beverages” ang nananatiling pinaka malaking contributors sa 5.4% inflation rate sa nagdaan buwan ng Hunyo. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author