dzme1530.ph

Chinese Communication Construction Company, dapat i-ban sa bansa

Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang gobyerno na tuluyang i-ban ang kumpanyang pag-aari ng China na nagnenegosyo sa Pilipinas.

Tinukoy ni Hontiveros ang Chinese state-owned company na Chinese Communication Construction Co. (CCCC).

Sinabi ni Hontiveros na dahil sa panibagong insidente ng pambubully sa bansa, malinaw na hindi talaga kaibigan at hindi mabuting kapitbahay ng Pilipinas ang China.

Naniniwala ang senadora na ang tuluyang pag-ban sa bansa ng isa sa mga subsidiary companies ng China ay paraan ng pagpapahayag na hindi natin kinukunsinti ang anumang uri ng pang-aabuso.

Ayon kay Hontiveros, ang CCCC ay isang ‘predatory company’ dahil nagkukubli ito bilang lehitimong negosyo sa Pilipinas pero tumutulong sa China sa unti-unting pagsakop sa bansa.

Tinukoy ng mambabatas ang pakikipagsabwatan ng kumpanya sa Chinese maritime militia upang sirain ang mga coral reefs sa West Philippine Sea at ang CCCC rin ay kabilang sa mga kumpanya na nagtayo ng artificial militarized islands sa ating karagatan.

Hiniling din ni Hontiveros na silipin ng Ehekutibo ang mga kasalukuyang proyekto ng pamahalaan sa nasabing kumpanya at itigil na ang anumang ugnayan dito sa lalong madaling panahon. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author