dzme1530.ph

Mas mabigat na hakbang laban sa China, inapela ni Cong. Rodriguez

Hinimok ni Cagayan de Oro City Cong. Rufus Rodriguez si PBBM na gumawa na nang isang mabigat na hakbang laban sa China kasunod ng panibagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Philippine authority sa Ayungin Shaol.

Hiniling ni Rodriguez kay Pangulong Marcos na i-downgrade ang embassy sa Beijing bilang pagpapakita ng “deep indignation, galit at protesta” sa pag-bomba ng tubig ng CCG sa barko ng PCG.

Dapat din umanong pauwiin na ng Palasyo ang tinawag nitong “unusually quiet and inactive” ambassador sa China at palitan na lamang ito ng “lower-level diplomatic officer.”

Giit ni Rodriguez, hindi na dapat pinapayagan ang ganitong harassment, bullying tactics at encroachment ng China sa maritime territory ng bansa.

Para sa Mindanaoan solon, “drastic action” ang kailangan gawin ng gobyerno at hindi lang diplomatic protest o note verbale.

Kasabay ng panawagan sa Pangulo, isinulong din ni Rodriguez ang isang resolusyon na kumokundena sa panibagong harassment ng Chinese authorities, kasabay ng apela para i-downgrade ang diplomatic representation sa China na magpapabago sa relasyon ng dalawang bansa. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author