Limampu’t pito katao ang nakaranas ng diarrhea at pagsusuka makaraang mag-swimming sa dagat sa UK leg ng World Triathlon Championship Series.
Nasa 2,000 katao ang nakibahagi sa contest sa Sunderland, Northeast England, kung saan kabilang ang swimming sa Roker Beach.
Sinabi ng UK Health Security Agency na iniimbestigahan na ang posibleng sanhi ng outbreak.
Sa routine tests na isinagawa ng environment agency sa Roker noong huling bahagi ng Hulyo, ilang araw bago ang kompestisyon, nadiskubre na mataas ang lebel ng E. Coli bacteria sa tubig.
Depensa naman ng British triathlon, ang governing body para sa UK triathlons, kumuha ng samples sa bahagi ng katubigan na hindi naman ginamit sa kompetisyon at isinapubliko lamang ng ahensya ang resulta pagkatapos ng event. –sa panulat ni Lea Soriano