dzme1530.ph

Pilipinas at Canada, target pagtibayin ang ugnayan sa disaster resilience at defense

Plano ng Pilipinas at Canada na magkaroon ng karagdagang practical partnerships sa disaster resilience bilang bahagi ng kanilang hakbang na palakasin pa ang defense cooperation.

Kasunod ito ng pulong sa pagitan nina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Canadian Ambassador to the Philippines David Bruce Hartman sa headquarters ng Department of National Defense (DND), sa Camp Aguinaldo.

Sinabi ni DND Spokesman Arsenio Andolong na nangako ang dalawang opisyal na isusulong din ang education at training, at iba pang initiatives sa pagitan ng Philippines at Canadian defense establishments, sa pamamagitan ng capacity-building projects.

Sa kaparehong pulong ay ipinaabot ni Teodoro kay Hartman ang imbitasyon sa Minister of National Defense ng Canada na bumisita sa Pilipinas upang pag-usapan ang areas of mutual concern, at mga paraan upang lalong mapagtibay ang bilateral defense relations sa pagitan ng dalawang bansa. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author