dzme1530.ph

Actual video nang paggamit ng water cannon ng China Coast Guard sa mga miyembro ng PCG, isinapubliko

Isinapubliko na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang aktwal na video footage ng mapanganib at iligal na paggamit ng China Coast Guard (CCG) ng water cannon laban sa mga sasakyang pandagat ng PCG na nag-escort sa mga bangkang katutubo na charter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Agosto 5, 2023.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the WPS, CG Commodore Jay Tarriela, ang mga bangkang ito ay maghahatid sana ng food supply, gasolina at iba pang suplay sa tropang ng militar na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Giit ni CG Commodore Taririela, ang ganitong aksyon ng CCG ay hindi lamang pagbabalewala sa kaligtasan ng mga tripulante ng PCG at mga supply boat bagkus ay nilabag din nito ang international law, kabilang na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), at 2016 Arbitral Award. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author