dzme1530.ph

Buwan ng Oktubre, idineklara ng Pangulo bilang “Communications Month”

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang buwan ng Oktubre kada taon bilang “Communications Month”.

Ito ay kasabay ng pagdedeklara sa ika-11 ng Oktubre bilang anibersaryo ng Presidential Communications Office (PCO).

Sa Proclamation No. 308, inatasan ang PCO na pangunahan ang paggunita sa Communications Month, at maglatag ng mga programa, proyekto, at aktibidad.

Hinihikayat din ang lahat ng ahensya, gov’t -owned or-controlled corporations, state universities and colleges, local gov’t units, non-gov’t organizations, at pribadong sektor na makiisa at magbigay ng kaukulang suporta sa PCO para sa selebrasyon.

Binigyang diin sa proklamasyon ang layunin ng administrasyon na makapaghatid ng tama at mahahalagang impormasyon kaugnay ng mga polisiya, priority programs, at mga proyekto para sa mamamayan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

 

Maaaring larawan ng text

Maaaring larawan ng blueprint at text

About The Author