dzme1530.ph

House Speaker Martin Romualdez, dumalo sa ASEAN Parliamentary Forum sa Indonesia

Dumalo ngayong araw sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Romualdez, nagpasya siyang dumalo sa AIPA dahil marami siyang kailangan talakayin sa mga kapwa nito mambabatas mula sa mga bansa sa ASEAN at Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).

Pangunahing isyu na nais itulak ni Romualdez sa ASEAN Parliamentary Forum ay ang proteksyon at kapakanan ng mga OFWs.

Bago ang forum, humarap muna ito sa mga Filipino sa Jakarta at sinabing prayoridad ng Marcos government ang kaligtasan, kagalingan at proteksyon ng mga OFWs na napakalaki ng naitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa Kongreso na kanyang pinamumunuan, tiniyak din nito na ipapasa nila ang mga kailangang batas na magpapalakas sa ekonomiya, paglikha ng trabaho at tulong sa malilit na negosyo. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author