Kumilos na si Basilan Cong. Mujiv Hataman para imbestigahan ng Kongreso ang madalas na brownouts sa kanilang lalawigan.
Sa House Resolution 1157 ni Hataman, target nitong silipin ang performance ng Basilan Electric Cooperative (BASELCO), na mag-i-expire ang franchise sa 2028.
Labis na umanong apektado ang ekonomiya ng probinsya dahil sa madalas na power outages, na dahilan rin kung bakit nadidismaya na pumasok ang mga investors.
Himutok pa ni Hataman, sa Kongreso kanya umanong ginagawan ng paraan para umunlad ang probinsya sa pamamagitan ng pagdadala ng kabuhayan at imprastraktura, subalit nasasayang ang pagsisikap dahil lamang sa brownouts.
Ang masaklap pa nito pati operasyon ng mga hospital, dialysis centers, paanakan at iba pang health institutions ay napaparalisa dahil tuwing dalawa o tatlong oras ay nagba-brownout. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News