Nanguna si dating Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla sa listahan ng highest paid government officials, batay sa 2022 Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng Commission on Audit.
Kabilang sa report ang principal officers at members ng government corporations, secretaries, undersecretaries, assistant secretaries at iba pang opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan.
Pumalo sa mahigit P34,172,000 ang kabuuuang sweldo at allowance na natanggap ni Medalla noong nakaraang taon.
Sinundan ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na may total salaries at allowance na mahigit P28,781,000.
Pasok din sa top 10 ang BSP officials na sina Anita Linda Aquino, Victor Bruce Tolentino, Chuchi Fonacier, Peter Favila, Antonio Abacan, Elmore Capule, Francisco Dakila, Jr. at Edna Villa. –sa panulat ni Airiam Sancho