Isinusulong ni Senador Francis Tolentino ang pagsisiyasat sa natuklasang mass grave sa loob ng septic tank sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.
Sa kanyang Senate Resolution No. 709, nais ni Tolentino na busisiin ng Senate Committee on Justice and Human Rights na kanyang pinamumunuang isyu.
Sa impormasyon, natuklasan ang mass grave sa NBP compound habang hinahanap ang inmate na si Michael Angelo Cataroja.
Nakasaad sa resolusyon ni Tolentino na ang nangyaring gang fight sa NBP kung saan isang inmate ang napatay at marami ang nasugatan
Batay sa record ng Bureau of Corrections, hanggang noong Dec. 2022 mayroon nang 673 inmates ang namatay sa NBP dahil sa Asphyxia, tama ng bala ng baril, saksak at traumatic head injuries.
Ayon kay Tolentino, nakapagtataka kung paanong may baril, ice picks at iba pang armas sa loob ng NBP na naging sanhi ng pagkamatay at pagkakasugat ng ilang persons deprived of liberty (PDL). –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News