dzme1530.ph

Back channel negotiations sa China, good option para sa laban sa West Philippine Sea

Naniniwala si Senador Chiz Escudero na good option sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) ang back channeling talks.

Sinabi ni Escudero na walang perfect time para sa pagsasagawa ng backchannel negotiations at dapat laging sinasamantala ang mga ganitong oportunidad.

Kung susuriin din anya, nag-umpisang maging agresibo ang China at nagtayo ng mga base sa WPS nang mga panahong hindi pa binibigyang-daan ang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kasabay nito, naniniwala ang mambabatas na maaaring gamitin si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa back channel negotiations lalo na’t malapit ito kay Chinese President Xi Jinping.

Kinatigan din naman ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagsasabing maaring magamit ni dating Pangulong Duterte ang kanyang relasyon sa mga opisyal ng China para mapagtagumpayan ang negosasyon.

Bukod naman kay Duterte, sinabi ni Zubiri na maaari ring ikunsidera si Senador Alan Peter Cayetano bilang back channel negotiator. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author