dzme1530.ph

Gobyerno, pinayuhang maghinay-hinay sa paglalabas ng impormasyon sa rice importation at buffer stock

Pinayuhan ni Senador Chiz Escudero ang mga ahensya ng gobyerno na piliin din ang mga impormasyon na inilalabas sa publiko.

Nilinaw naman ni Escudero na suportado niya ang Freedom of Information Bill subalit ipinaalala na dapat ay ibinabalanse rin ang inilalabas na mga detalye.

Partikular na tinukoy ng senador ang pagsasapubliko pa ng natitirang buffer stock ng bigas para sa bansa at ang aangkating suplay nito.

Sa tuwing ilalabas anya ng gobyerno na kakaunti na ang buffer stock ng bigas ay nagsasamantala na ang mga tiwali at nagsisimulang maghoard dahilan upang tumaas ang presyo nito.

Gayundin anya kapag inaanunsyo ang dami ng aangkating bigas ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga exporter na manipulahin ang presyo.

Suhestyon ng senador na ilabas ang dami ng aangkating bigas sa sandaling nagkaroon na ng matagumpay na negosasyon sa supplier nito. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author