dzme1530.ph

Lalaking sangkot sa drug trafficking sa Singapore, binitay!

Isang 39 anyos na lalaki ang binitay sa Singapore makaraang hatulan ng kasong drug trafficking.

Si Mohamed Shalleh Adul Latiff ay sinentensyahan ng kamatayan matapos makuhanan ng 55 gramo ng heroin noong 2019.

Ayon sa hawak na dokumento ng korte, si Shalleh ay isang delivery driver bago maaresto noong 2016 at sa kaniyang trial, inamin nito na nagdeliver siya ng kontrabando sa isang kaibigan na inutangan niya ng pera.

Si Shalleh ay ika-16 na preso na sinentensyahan ng kamatayan simula nang ipagpatuloy ng Singapore ang parusang bitay noong March 2022, dalawang taon makalipas itigil dahil sa COVID-19 pandemic. –sa ulat ni Airiam Sancho

About The Author