Umabot sa halos 44 na katao ang bilang ng mga nasawi sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa Brazil sa nakalipas na isang linggo.
Ayon sa state police, kabilang dito ang naganap na gang shoot-out sa Penha Slums Complex area kung saan 9 sa 11 sugatan ang binawian ng buhay dahil sa injuries.
Sa record naman Sao Paolo state police, 16 na pinaghihinalaang kriminal ang namatay simula nang magpatupad ang pulisya ng malawakang anti-gang operation.
Habang 19 naman na suspect ang nasawi sa Northeastern State ng Bahia sa tatlong magkakahiwalay na police operations.
Dahil dito, nabuo ang debate sa pamahalaan ng Brazil ang umano’y walang habas na paggamit ng armas ng mga alagad ng batas partikular na sa isang bansa kung saan nakapagtala ng 6,429 na police killed deaths noong nakaraang taon. —sa panulat ni Jam Tarrayo