Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang gawing regular non-working holiday ang national election sa bansa.
Pinaburan ng 198 na mambabatas ang House Bill no. 8187, kung saan kabilang ang maituturing na ‘national elections’ gaya ng plebesito, referendum, people’s initiative, recall election, special election, regional elections, at iba pa.
Aamyendahan ng naturang panukala ang Section 26, Chapter 7, Book 1 ng Executive Order No. 292 o ang “The Administrative Code of 1987” na nagsasaad na mayroon lamang kasalukuyang 12 regular holiday at dalawang nationwide special holidays ang Pilipinas.
Kumpiyansa naman si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa oras na maipasa ang panukala ay mas dadami ang bilang ng mga botante sa bansa. –sa panulat ni Jam Tarrayo