dzme1530.ph

Benepisyo ng pagiging mag-isa, alamin!

Mayroong mga taong may kondisyon na “monophobia” o fear of being alone.

Ngunit, alam niyo ba na may benepisyo ang pagiging mag-isa?

Ayon kay University of Maryland Professor Rebecca Ratner, mas na-e-enjoy ng mga taong mag-isa ang ginagawang aktibidad tulad ng pagpunta sa mall, museum at iba kumpara sa mga may kasama.

Natuklasan naman sa pag-aaral na inilathala sa Journal Experiment Social Psychology na mas mabait sa mga stranger o mga hindi kilala ang mga taong nag-iisa dahil mas mababa ang kagustuhan na makipagkilala sa iba ng mga taong laging kasama ang kaibigan.

Habang sinabi rin ni New York University Sociology Professor Eric Klinenberg na mas nagiging mabuting tao ang mga taong nag-iisa.

Kayo payo ng mga eksperto, mas makabubuti na magkaroon ng oras na nag-iisa at walang kasama na kahit na sino para na rin magkaroon ng oras sa sarili. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author