dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang suporta sa movie at TV industry

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suporta ng administrasyon sa mga Pilipinong nasa industriya ng telebisyon at pelikula.

Ito ay kasabay ng pangunguna ng pangulo sa oath taking ng bagong officers ng Actors Guild of the Philippines o ang Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT).

Sa kanyang talumpati sa seremonya sa Malakanyang ngayong araw ng Huwebes, inihayag ng Pangulo na napakalaki ng naging epekto ng pandemya sa creatives industy.

Kaugnay dito, igiinit ni Marcos na mahalagang suportahan ng gobyerno ang movie at TV industy dahil sa kanilang ambag sa ekonomiya.

Bukod dito, kasama rin umano sila sa mga nagtataguyod ng kultura ng Pilipinas, at maipagmamalaki ang kanilang husay hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author