dzme1530.ph

11% ng proposed P5.768-T 2024 Budget, popondohan sa pamamagitan ng utang

11% ng P5.768-T 2024 National Expenditure Program ang popondohan sa pamamagitan ng pag-utang ng pamahalaan.

Ito ay katumbas ng nasa P634.58-B.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Department of Budget and Management Principal Economist Dr. Joselito Basilio na ito ay consistent sa minimum term fiscal framework.

Ibig sabihin, ang nalalabing 89% ay manggagaling sa revenues o kita.

Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi kung saang mga institusyon manggaling ang borrowings o uutanging pondo para matustusan ang national budget.

%Sinabi naman ni Basilio na tulad ng dati ay mananatili sa halos 70% ng total budget ang nakalaan sa socio-economic services, at ang nalalabi ay para sa general administration at defense expenses. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author