Hinahamon ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang umano’y tagapagsalita ng CPP-NPA na si Marco Valbuena na lumantad upang pag-usapan ang alok na amnestiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga rebelde.
Ayon kay Torres, dahil wala ng pinuno ang kilusan matapos ang pagkamatay ni Jose Maria Sison at pagkahuli at pagkamatay ng karamihan sa kanilang mga matataas na opisyal, si Marco Valbuena na lamang ang tumitindig at nagsasalita para sa grupo.
Dagdag ni Torres, nakahanda ang pamahalaan na pakinggan ang panig ng mga CPP-NPA para sa isinusulong na amnestiya.
Matatandaang si Valbuena ang naglabas ng statement na hindi tinatanggap ng kilusang komunista ang isinusulong na Amnesty Proclamation. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News