Naglaan ang administrasyong Marcos ng P9.2-B na confidential at intelligence funds sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, P4.3-B ang confidential funds habang P4.9-B ang intel funds sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Pinakamalaki ang confidential at intel funds ng Office of the President na may P4.5-B, P500-M sa Office of the Vice President, P150-M sa Department of Education, at P1.7-B sa Department of National Defense.
Tiniyak naman ni Pangandaman na may mga itinakdang guidelines ang Commission on Audit sa paggamit ng mga nasabing pondo.
Matatandaang isinumite na ng DBM sa Kamara ang P5.768-T 2024 National Expenditure Program. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News