Nanawagan si Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go para sa proactive drive at awareness laban sa leptospirosis ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa gitna ito ng ulat ng Department of Health na tumaas ng 42% ang kaso ng leptospirosis sa nakalipas na dalawang linggo.
Aminado si Go na nakababahala ang pagtaas ng mga kaso ng sakit kaya’t dapat na palakasin ang kampanya at mga hakbangin laban sa leptospirosis.
Muling ipinaalala ni Go na dapat unahing iprayoridad ang kaligtasan at kalusugan ng bawat Pilipino.
Hinimok din ng senador ang publiko na palagiang sundin ang mga panawagang pag-iingat ng DOH at agad na magpakonsulta kapag nakaramdam ng anumang sakit. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News