dzme1530.ph

Mga kwestyonableng irrigation projects, inilatag sa senado

Inisa-isa ni Senador Raffy Tulfo ang mga kwestyonableng irrigation projects na anya’y patuloy na pinopondohan kahit matagal nang delayed.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa mga umano’y iregularidad at anomalya sa National Irrigation Administration (NIA), inilahad ni Tulfo ang mga natuklasan nilang proyekto na pinonodohan ng daan-daang milyong piso pero hindi pa rin tapos at masaklap pa ay kada taon humihingi ng budget para sa maintenance at repair.

Kaya tanong ni Tulfo, ano ang ime-maintain kung hindi naman tapos ang project.

Una sa listahan ni Tulfo ang Balog-balog Multipurpose Project sa San Jose, Tarlac City na limang dekada na at panahon pa ni dating Pangulong Cory Aquino sinimulan at may budget na P12-B mula 2013-2022 para sa irigasyon ng 34,410 hectares ng lupang sakahan.

Ipinakita rin ni Tulfo ang larawan ng Bulo Small Reservoir Irrigation Project sa Bulacan na sinimulan noong 2015 at pinondohan ng P990-M para naman sa irigasyon ng 570 hectares ng agricultural land.

Binanggit din ng senador ang Dumuloc project sa Pangasinan na may P800-M na budget.

Kwestyonable para kay Tulfo na sa kabila ng paglalaan ng sapat na pondo, nasa 1% lamang ang overall accomplishment ng NIA. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author