dzme1530.ph

600 PNP High-Ranking Officials, nag-resign na

Nasa animnapung porsyento o mahigit limang daang High-Ranking Officials ng Philippine National Police (PNP) ang nag-sumite ng kanilang Courtesy Resignations bilang bahagi ng internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kasabay ng pasasalamat sa mga tumugon sa kanyang panawagan.

Sinabi ni Abalos na marami siyang natatanggap na suporta sa kanyang panawagan mula sa mga Regional Commanders at iba’t ibang services.

Dahil dito, inaasahan ng opisyal na marami pang PNP Officers ang tutugon sa kanyang panawagan na magpapakita na walang demoralisasyon sa hanay ng PNP.

Kasabay nito, inihayag din ng kalihim na sisimulan na ng five-member committee na kinabibilangan ni retired police general at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagre-review sa mga nagsumite ng resignation.

Una nang sinabi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. na nasa animnaraang pnp officials na ang nagsumite ng kanilang resignation hanggang nitong enero a-otso habang may inaasahan pa siyang 456 o kabuuang 956 na opisyal na magreresign.

About The Author