dzme1530.ph

Assets ni Cong. Teves, ipina-freeze na ng AMLC

Ipina-freeze na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang assets ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr..

Ito ay matapos siyang i-designate bilang terorista ng Anti-Terrorism Council.

Ayon kay AMLC Legal Officer Luis Anthony Warren, ang freeze order sa mga ari-arian at bank accounts ni Teves ay “simultaneous” o kasabay ng pagsasasubliko ng terrorist designation.

Kaugnay dito, sinabi ni Warren na inabisuhan na nila ang mga bangko kaugnay ng freeze order sa kongresista.

Nilinaw naman ng AMLC na tanging si teves at hindi ang kanyang buong pamilya ang saklaw ng freeze order.

Samantala, ipina-freeze na rin ang assets nina Hafida Romato Maute at Nahara Khairiya Sittie Hamim, ang dalawang sinasabing konektado sa Dawlah Islamiyah-Maute group na kasabay ni Teves na na-designate bilang mga terorista. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author