Kumbinsido si Senador Alan Peter Cayetano na lumiliit na ang mundo ni Cong. Arnulfo Teves Jr. kasunod ng pagkunsidera sa kanya bilang terorista.
Ipinaliwanag ni Cayetano na dahil sa deklasyon, may awtoridad na ang gobyerno upang i-freeze ang mga bank account ng kongresista kaya’t mababawasan na rin ang paggalaw nito.
Maging ang kanyang pasaporte ay maaari na rin anyang kanselahin kaya’t mahihirapan siyang magpalipat-lipat ng kinaroroonan.
Gayunman, ipinaalala ni Cayetano na kahit nadesignate na bilang terorista si Teves ay karapatan pa rin nitong mabigyan ng due process.
Maaari pa anyang iapela ni Teves ang designation sa kanya bilang terorista at karapatan nyang mabigyan ng oportunidad na ipagtanggol ang kanyang sarili.
May mga legal remedies pa aniyang maaaring gawin ang panig ng mga akusado para mabago ang desisyon ng Anti-Terrorism Council. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News