Nanindigan ang Anti-Terrorism Council (ATC) na ang pag-designate kay suspended Negros Oriental Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. bilang terorista ay mayroong probable cause.
Sa press briefing sa Palasyo, inihayag ni ATC Deputy Spokesman Atty. Jose Clavano na ang probable cause ang nagsisilbing threshold o batayan para sa pag-designate sa isang tao o grupo bilang terorista.
Ipinaliwanag din ni Clavano na sa isinasagawang preliminary investigation ng Department of Justice, naitaas ang lebel ng edidensyang kinakailangan para sa probable cause, at sa posibleng conviction.
Ito ay ibinunga rin ng kahiwalay at independent na imbestigasyon.
Matatandaang kasama ang dalawang indibidwal mula sa Maute group, pinangalan ng ATC si Teves at ang Teves Terrorist Group bilang mga terorista.
Sa ngayon ay hindi muna ibinahagi ng ATC ang mga susunod nilang hakbang laban kay Teves. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News