dzme1530.ph

PBBM, tiniyak na sapat ang buffer stock ng bigas ng DA

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sapat ang buffer stock o reserbang bigas ng Department of Agriculture.

Ito ay sa harap ng napaulat na pang-dalawang araw na lamang ang nalalabing buffer stock ng National Food Authority.

Ayon sa Pangulo, sa ngayon ay maayos ang suplay ng bigas sa kabila ng pinsala ng bagyong Egay sa agrikultura.

Gayunman, sinabi ni Marcos na tumatayo ring agriculture secretary, na tinitingnan nila ang agricultural inputs upang mapigilan ang posibleng pagtaas ng presyo ng bigas.

Inaalam na rin ang mga mapagkukunan ng karagdagang produksyon, kung saan bibili ng lokal na suplay, at pinag-aaralan na rin kung kailangang muling mag-import.

Samantala, idinagdag din ng pangulo na inihanda rin ang buffer stock ng bigas para sa matinding tagtuyot o El Niño. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author