dzme1530.ph

2 miyembro ng Maute group, idineklarang terorista ng ATC

Dalawa pang indibiduwal na may kaugnay sa DI-Maute Group ang dineklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) na terorista.

Nakabatay sa 10-pahinang resolusyon na inilabas ng ATC na pirmado nina Executive Secretary Lucas Bersamin bilang chairperson at National Security Adviser Eduardo Año bilang Vice-Chairperson, itinuring na terorista sina Hafida Romato Maute at Nahara Khairiya Sittie Hamim ng Maute Group.

Ayon sa ATC, si Hafida Romato Maute, ay may-bahay ng dating Amir ng Islamic State – East Asia na si Abu Zacharia.

Napatunayan na si Hafida Romato Maute ay lumabag sa Sections 4 pahina 2 ng 4 pages o ang Committing Terrorism at 6 o ang Planning Training, Preparing, and Facilitating the Commission of Terrorism na itinatakda sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Habang si Nahara Khairiya Sittie Hamim naman ay misis ni Abu Mursid/Morsid, sub-leader at finance and logistics officer ng Maute Group, na pareho ring lumabag sa Section 4 ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Matatandaang ang Maute Group at mga kaalyado nitong grupo ay idineklarang terorista ng Pilipinas, United Nations, Australia, United States at New Zealand. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author