dzme1530.ph

Pagpapatupad ng e-visa, dapat tiyaking ‘di mapagsasamantalahan ng mga sindikato

Hinimok ni Senador Nancy Binay ang Department of Foreign Affairs (DFA) na gawing non-negotiable requirement ang personal appearance sa mga consular office sa pag-aapply ng electronic-visa.

Sa gitna ito ng nakatakdang pilot implementation ng kauna-unahang electronic visa sa August 24 sa mga bansang China at India.

Kasabay nito, hinikayat din ni Binay ang DFA at maging sa National Intelligence Coordinating Agency na bumalangkas ng maayos na homeland security policies nang walang lalabaging immigration laws upang matiyak na hindi mapagsasamantalahan ng organized syndicates ang proseso.

Naniniwala si Binay na sa pamamagitan ng e-visa ay mapapalakas ang turismo sa pamamagitan ng pagpapadali ng mga proseso sa biyahe as bansa.

Binigyang-diin ni Binay na dapat mapabilis ang digitalization ng ease of travel nang hindi isinasakripisyo ang national security.

Iginiit ng senador na bagamat oportunidad ang e-visa system para makarecover anng bansa mula sa epekto ng pandemya dapat ding maging maingat sa pagpapatupad nito dahil may katumbas itong national security concern.

Ipinaalala ng mambabatas na lagannap ngayon ang transnational crimes lalo na ang human trafficking at prostitution kaya’t dapat tiyakin na ang nabibigyan ng e-visa ay mga lehitimong turista. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author