Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Lt. Gen. Roy Galido bilang ika-66 na Commanding General ng Philippine Army.
Si Galido ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” ng class of 1990, pinangunahan ni Galido ang 6th Infantry Division o ang Kampilan ng Phil. Army at ang Western Mindanao Command.
Masasabing bihasa si Galido pagdating sa eksperiensya partikular ng hawakan nito ang Mindanao kung saan maraming naarestong mga rebelde.
Naniniwala ang AFP na susundan ni Galido, ang sinimulan ni AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr. sa pagtatag ng matibay na sandigan ng Philippine Army. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News