dzme1530.ph

Balasahan, ipinatupad ng PNP!

Magkakaroon ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Chief General Benjamin Acorda Jr. matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ng 18 opisyal.

Ayon kay Acorda, hindi magkakaroon ng vacuum sa liderato ng PNP dahil may mga nakalinya nang papalit sa mga nawalang opisyal.

Naniniwala naman ang PNP chief, na hindi makakaapekto sa morale ng mga tauhan ng PNP ang pag-alis sa serbisyo ng 18 matataas na opisyal dahil nauunawan ng karamihan sa kanilang hanay na ito ay bahagi ng paglilinis ng organisasyon.

Sinabi pa ng PNP chief na ang paghingi ng courtesy resignation ng 3rd level officers ay dahil sa kontrobersiya sa ilegal na droga.

Umaasa si Acorda na hindi na mauulit ang ganitong pangyayari, kaya’t nagpaalala ito sa lahat ng mga pulis na ipakita sa sambayanan na mapakakatiwalaan ang PNP bilang isang instutusyon. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author