Sa gitna ng mga usapin kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea, iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na maaaring ikunsidera si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang backchannel negotiator ng Pilipinas sa China.
Sinabi ni Cayetano na kung kailangan ng bansa ng isang taong makakayang makipag-usap sa pinakamataas na lebel ng Chinese Government ay maaaring ikonsidera ang dating Pangulo dahil tiwala na ang gobyerno ng China sa kanya at maging ang mga mamamayang Pilipino.
Idinagdag pa ng senador na maganda ang relasyon ng dating punong ehekutibo kay Chinese President Xi Jinping.
Nilinaw naman ng dating kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), na magkaiba ang backchannel negotiation sa day-to-day negotiation sa China.
Sa usapin anya ng day-to-day negotiation, dapat na ipamahala ito sa nakabase sa comfort at tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan sinabing magandang choice si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para sa one-on-one talks sa chief diplomat ng China. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News