dzme1530.ph

AFP Chief, ipinatawag sa Kamara kaugnay sa MUP pension

Ipinatawag ng chairman ng Committee on National Defense and Security sa Kamara si AFP Chief of Staff Lt. Gen. Romeo Brawner, para sa pension ng mga sundalo.

Ayon kay Iloilo 5th Dist. Cong. Raul Tupas, nais niyang marinig kung ano talaga ang saloobin ng mga sundalo sa mainit na usapin sa pension system at posibleng non-monetary benefits para sa military personnel.

Kinumusta rin ni Tupas ang nagpapatuloy pang AFP Modernization Program at planong pagbisita ng komite sa ilang EDCA sites sa bansa.

Ginawa ni Tupas ang pakikipag-usap sa AFP matapos banggitin ni Pang. Bongbong Marcos, Jr. sa ikalawa nitong SONA ang problemang kinakaharap ng gobyerno sa pananalapi dahil sa pension ng Military and other Uniformed Personnel (MUP).

Inamin ni Tupas na nag-uusap na rin sila ni Defense Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro para sa kapakanan ng mga sundalo.

Bukod kay Brawner, present din sa meeting si BGen. Jun Omar, Chief of AFP Office of Legislative Affairs, Retired Maj. Gen. Arnold Quiapo, Secretary of the Committee on National Defense, at Atty. Norman Tayag, Consultant of the Committee on National Defense. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author