dzme1530.ph

Panukalang Ease of Paying Taxes Act, pinasesertipikahang urgent ng isang kongresista

Hiniling ni Ways and Means chairman, Albay Cong. Joey Salceda na sertipikahang urgent ang panukalang Ease of Paying Taxes Act na nasa period of interpellation sa Senado.

Ang kahilingan ay para magawa sa loob lamang ng isang araw ang approval sa 2nd at 3rd reading ng Senate Bill 2224.

Para kay Salceda, napapanahon na para ma-modernize ang tax administration sa bansa, na kung mangyayari ngayon ay maituturing na “Legacy ni PBBM.”

Ayon sa kongresista, matagal nang aprubado sa Kamara ang House Bill 4125 o Ease of Paying Taxes Act na layuning i-simplify ang tax filing ng small and medium enterprises, gawing online ang tax process, mag-shift sa invoice system para sa mas mabilis na VAT refund, at bumuo ng special division sa BIR para sa small at medium taxpayers.

Dahil sa pagiging “backward” ng tax system sa Pilipinas, marami umanong business opportunities mula sa OFWs at Foreign Direct Investments (FDI) ang nakakawala. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author