dzme1530.ph

EU, magkakaloob ng €60-M para sa Green Economy Program ng Pilipinas

Magkakaloob ang European Union ng €60-M o P3.62-B para sa Green Economy Program ng Pilipinas.

Ito ay sa paglagda sa Joint Declaration of Intent para sa Green Economy Programme sa pagitan ng Pilipinas at EU, na sinaksihan sa Malakanyang nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at European Commission President Ursula Von Der Leyen.

Sa Joint Press Statement sa Palasyo, inihayag ng Pangulo na sa ilalim ng programa ay susuportahan ng EU ang bansa pagdating sa circular economy, renewable energy, at climate change mitigation.

Samantala, tiniyak naman ni Von Der Leyen na ibabahagi nila ang kanilang expertise at access sa teknolohiya para sa circular economy, o ang sistema ng ekonomiya na nagtataguyod ng reusing at regeneration.

Sinabi pa nito na isine-setup na ng EU ang Copernicus Mirror Site sa Philippine Space Agency na makatutulong para sa pagkakaroon ng early warnings o maagang hudyat sa paparating na extreme weather events, tungo sa pagiging climate resilient. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author