Tiniyak ng Pilipinas at European Union ang pagtutulungan para sa pagkakaroon ng Free Trade Agreement (FTA) o malayang kalakalan.
Ito ang tinalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at EU Commission President Ursula Von Der Leyen sa bilateral meeting sa Malakanyang ngayong araw ng Lunes.
Ayon kay Pangulong Marcos, makikipagtulungan ang experts ng gobyerno ng Pilipinas sa EU Commission para makamit ang bilateral FTA.
Sinabi naman ni Von Der Leyen na itatakda nila ang mga angkop na kondisyon para maibalik ang negosasyon sa malayang kalakalan, na makatutulong sa magkabilang panig sa paglago at paglikha ng trabaho.
Layunin din ng EU Commission Chief na i-angat sa mas mataas na antas ang trade relations ng Pilipinas at EU.
Samantala, pinasalamatan din ni Marcos ang EU Commission dahil sa patuloy na pagkilala sa standards of training, certification, and watch keeping certificates ng Pinoy seafarers, na itong nagbasura sa planong pag-ban sa kanila sa EU vessels. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News