dzme1530.ph

PBBM, nasa Tuguegarao City na sa harap ng patuloy na pag-assess sa pinsala ng bagyong Egay

Nasa Tuguegarao City na sa Cagayan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para alamin ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong “Egay” sa Cagayan Valley Region.

Pinangunahan ng Pangulo ang situation briefing kasama ang mga lokal na opisyal at mga kinatawan ng iba’t ibang disaster response agencies.

Bukod sa assessment ng pinsala ng bagyo, tinalakay din ang mga ginagawang hakbang para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Samantala, pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong residente.

Tinatayang nasa 14,000 indibidwal ang lumikas mula sa 250 brgy. sa apat na probinsya sa Region 2 dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Egay. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

 

About The Author