Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang situation briefing sa Laoag City sa Ilocos Norte, hinggil sa epekto ng bagyong “Egay”.
Nagbigay ng update sa Pangulo ang mga lokal na opisyal at mga pinuno ng iba’t ibang ahensya, hinggil sa lawak ng pinsalang iniwan ng bagyo.
Kasabay nito’y ibinigay ng Pangulo ang direktiba para sa pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta, at pagsasaayos sa mga sinira ng kalamidad.
Samantala, bago ang situation briefing ay pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance sa kapitolyo ng Ilocos Norte.
Tinatayang nasa 32,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Egay sa Ilocos Norte na itong home province ng Pangulo. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News