Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa gobyerno para sa mga nasalanta ng bagyong “Egay” sa Abra.
Personal na nagtungo ang Pangulo sa bayan ng Bangued ngayong Sabado ng umaga, para i-abot ang food packs sa mga apektadong pamilya.
Ipinamigay din ang P10,000 na cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development, agricultural assistance para sa mga magsasaka, at cash assistance mula sa Office of the President para sa mga lokal na pamahalaan sa Cordillera region.
Tinatayang nasa 46,000 pamilya o 180,000 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Egay sa Abra.
Tiniyak naman ng Pangulo ang patuloy na pagpapadala ng tulong at aayusin din umano ng gobyerno ang lahat ng pinsalang iniwan ng bagyo sa lalawigan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News